top of page

Mga batang 90s (#1)

Being a 90s kid makes me proud. Kung maiimbento man ang time machine ay hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na balikan ang kabataan kong punong-puno ng saya.

Noong bata ako. Parati akong nasa kalsada at nakikipaglaro. Umaga hanggang gabi, uuwi ka lang sa bahay niyo kapag kakain ka na at hahabulin ka na ng papat o tsinelas ng nanay/tatay mo.

Maraming nausong laro nung 90s.

These are the games I used to play before:

- Piko

- Tumbang Preso

-Patintero

- Luksong Baka

- Chinese Garter

- Base to base

- Pass the message

- Taguan singsing/itlog

- Fruit basket

- Popeye brutos

- Taguan

- Langit lupa

- Sili sili

etc.

Noong 90s. Sikat na sikat din ang tamagotchi. Tipong kinakabahan ka pa kapag hindi mo napakain yung alaga mo kasi baka mamatay. Sino rin ba ang makakalimot sa family computer kung saan sumikat si Super Mario. Adik na adik ako sa family computer noon.

Dahil one of the boys ako noon. Naglalaro din ako ng beyblade, yoyo at Yu-gi-oh cards. Marami akong teks at pogs noon. Iniiyakan ko pa pag natalo ako ng isang dangkal, tapos hindi ako titigil hanggat hindi ako makakabawi. Tapos maiinis ka pa kapag bigla kang tinawag ng nanay mo at sasabihin sayo. "Puro ka laro, anong gusto mo ilaga na natin yang mga teks mo?"

Nahilig din ako noon sa kisses. Naniwala talaga ako noon na nangangak sila. O baka ikaw naniniwala parin huh? :D

Natatandaan ko din no na kapag may nakikita akong santan flower. Pipitasin ko yon tapos hihilain ko yung nectar nun sa gitna kasi matamis, ganoon din sa gumamela, ginagawa pa nga naming palobo yon kasi para siyang sabon kapag dinurog.

Ang pinakahindi ko makakalimutan noon ay paglalaro ng paper doll. Sobrang hilig ko sa paper doll noon. Naaalala ko nga na halos abutin na kami ng siyam-siyam ng mga kaibigan ko para lang mag-ayos ng bahay ng paper dolls namin, tapos 'tsaka kami magsisimulang maglaro.

Music:

Sinong 90s kid ang hindi makakakilala kay Britney Spears, Christina Aguilera, Spice girls, backstreet boys, A1 at Westlife. Sila ang mga pinakahinahangaang music icon ng mga batang 90s. Laman ng mga radyo ang kanta nila. Natatandaan ko pa yung poster ng kapitbahay namin na may lyrics ng kanta ni Britney spears. (Fan siya ni Britney) at tadtad ng posters ni Britney ang bahay nila.

Naaalala ko rin yung mga nausong sayaw 'non.

Yung Asereje, Doctor Jones, Barbie Girl, Macarena at yung Dayang-dayang.

 

Let's talk about food.

Noong 90s. Kapag nakakarinig kami ng tunog nung nagtitinda ng selecta ice cream. Sinasabayan namin ng kanta yan.

"Selecta, walang lasa...panget pa nagtitinda~" yan ang lyrics na natatandaan ko.

Pero adik ako sa selecta ice cream dati kasi kapag bumili ka dati ng isang selecta popsicle ice cream at swerteng may nakalagay na free chuchu yata dun sa dulo ng stick mo. You'll get another one, tapos pag yung nakuha mo may nakalagay na naman free something, you'll get another one again. Ang saya diba?

Usong-uso din ang ice candy noon, yung choc nut at honey na chocolate, yung sugo na peanut, mikmik, pintura, yakee, bazooka, lala chocolate at marami pang iba.

Natatandaan niyo rin ba yung mga chichirya na may lamang mga laruan sa loob? That was so cool.

 

Ang hinding-hindi ko makakalimutan bilang batang 90s ay yung mga palabas noon na halos pati theme song sinasabayan ko.

Nandyan yung...

Sineskwela ~tayo na...sa sineskwela, tuklasin natin ang siyensya~

Hirayamanawari ~Hiraya manawari, hiraya manawari...mga pangarap natin ating abutin~

Wansapanatym

Bayani

etc.

Sina b1 at b2 laging magkasama~ Haha! Tandang-tanda ko pa ang dalawang saging yon. "Naiisip mo ba ang naiisip ko b1? Pati yung famous na linyahan nila... Yeah, that's Banana's in pajamas.

Syempre hindi rin magpapatalo ang teletubbies.. (Tinky Winky, Dipsy, Laa-laa at Po)

Naalala ko rin si Sarah ang muntik prinsesa (Ang prinsesa ng patatas LOL) Judy Abott ng Daddy long legs. Inaabangan ko talaga siya tuwing umaga, pati si Cinderella. Yung may kantang ~ngunit hanggang kailan, hanggang kailan ko malalaman ang lalalla~ I forgot the lyrics.

Hmm...sa hapon naman. Dito ako nagsimulang maging utaku.

Ghost fighter, fushigiyuugi, Dragon ball, sailormoon, flame of recca, hunter x hunter, Magic knight rayearth, card captor sakura, slumdunk at marami pang iba. I also love their theme songs.

Lalo na yung theme song ng Voltes V ~Voltes Five, lima sila...bumili ng Pop Cola, dumating si Mazinger Z, nag-away sila, sabay utot, sabay tae… Kontra bulate!” pati japanese ng opening song ng Voltes V talagang tumatak sa marami.

Naaalala ko pa na noon ang hilig kong bumuli ng anime posters lalo na yung Fushigiyuugi. Talagang favorite ko ang loveteam ni Miaka at Tamahome. Crush ko pa si Tamahome. Pati pala si Rukawa type ko. XD

Anyway...Bilang batang 90s. Hindi rin natin makakalimutan ang mga tagapagtanggol ng mga naaapi.

Si Ultraman, Power rangers at sino pa ba? Sila nalang ang natatandaan ko.

Diba at napakasayang maging batang 90s. Habang tinitipa ko ang blog entry na'to. Hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat. I had so many experience back then, wala pa nga yata ang mga nakatype dito sa lahat ng mga naranasan ko noon. Simple lang ang buhay naming mga kabataan noon. Simple pero masaya at habang buhay na nakataktak di lamang sa isip namin kung di pati puso.

Visit my website: levelionstories

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Stories Of Levelion

Pedrosa Brothers
Bloodshed Love Trilogy
Dream Boys Series
Let's talk

Make friends

bottom of page